For those who read my previous entry.. this is the adobo story that I promised to write..
Kung may isang ulam na dati rati ay proud na proud akong lutuin, yun ay ang adobo. Grade 3 ata ako nung una ko siyang natutunan lutuin. At sa dinamidami ng versions na alam ko, kahit nakapikit maluluto ko ito (hep! wala munang kokontra!). Until today. Sabi ko nga ke neighbor, ilang milyong beses ko na siguro niluto ang adobo and kanina ko lang nakuha ang tanging reklamo (o siya maliban dun sa time nakalimutan ko siya at nasunog ito) about my ever favorite pinoy dish.
Maalat ang adobo. See I told you, walang kokontra... Promise di ko talaga malasahan ang alat (hmm my tastebuds must be haywire?). Pero sabi ng aking food critic, maalat daw. Plus minasaker ko daw ang pakpak ng manok at namukhang minced chicken siya (they just crumbled you know! haha). A for effort ang grade ko but S for Salty sa taste. May kanta pa yang katumbas (pano nga uli yun? basta asa tune ng london bridge.. kanina LSS ko yun eh).
My self confidence went down the drain (o sige table ng Nando's). Sama mo pa diyan ang blooper ng itlog na pula (Itlog na maalat) na di lang kulay itim dito sa malaysia eh kelangan pa palang lutuin (malay ko bang may option pala sa malaysia na fried salted egg or scrambled salted egg..Sa tin naman iisa lang ang pulang itlog.. at siya ay luto). Parang bigla tuloy akong napaisip--Marunong pa ba akong magluto? (Lasagna will be my redemption!) Sabi ni Food Critic may saving grace naman daw ako-- masarap daw ang garlic fried rice.
But in fairness, the criticism was constructive (with a lot of pang-aasar on the side). Di tayo pikon so we should learn to take criticism with a grain of salt (hep! maalat again!). Although ilang beses ko din siyang muntik masaksak ng tinidor and nabatukan, I must admit, nabusog ako agad sa kakatawa (hmm.. bagong diet tip ito). Saka nainsulto man ng husto ang aking formerly world famous adobo, naubos din naman nila (kasi gutom daw sila.. sige na nga!). So all's well ends well.
So now there is a challenge- My food critic told me that he would cook me an adobo that would cause me to forget my name in the process (talaga lang ha!). Papakita daw niya kung pano ang tunay na pagluto ng adobo. Sige na nga, payag na ako.ng malaman ang katotohanan (mataas ang standards ko!). basta aabangan ko yan.. Teka kelan ba yon? For my part, I will be making my famous lasagna again (so lets rename this as the adobo vs lasagna challenge) and I promise to redeem m myself.
at sisiguraduhin ko ng luto ang itlog na maalat.
Sana may application na ganito sa facebook.. ang saya siguro nun.. :P
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment