2. "Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba."
- kailan ko magagamit itong linyang ito. MY TURN! MY TURN! (I agree Neighbor!)
3. "Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."
- baka mapikot ka at di ka na makabitaw
4. "Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."
-may mga taong sadyang ganito. mahilig humawak ng kung ano ano
7. "Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na
araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."
- Whatever!
8. "Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa."
- "Remove the bandaid agad.. wag maging masochista... " But yeah likas sa tao ang maging tanga
9. "Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.
- Kaya nga tinatawag na "It's Complicated"
10. "Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una."
- hmmm... in feyrness may sense
11. "Hindi porke't madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa."
- Hep! Sounds Familiar..."Wala naman sa usapan natin na you will fall in love with me."
12. "Huwag magmadali sa lalaki o babae. Tatlo, lima, sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totoong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka.
13. "Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority."
- Youre nothing but a second rate trying hard... second choice. Ouch!
14. "Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya."
- hep!hep! Kaya maging kapuso ka na lang.. Ikaw pa ang Bida.
15. "Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo."
16. “Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala.”
- does this qualify as "it's better to have loved and lost than never to have loved at all"? letseng mga hirit yan.. hehe..affected... ( I agree neighbor!)
17. “Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan”
- Denial and projection and tawag diyan.
18. "Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sma ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"
- At the end of the day, tayo ang namimili na maging TANGA.
19. "Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa iyo kahit na pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo."
- But then again.. we need to take risks. minsan wagi, minsan plakda.. weather weather lang yan..
20. "Gamitin ang puso para alagaan ang mga taong malalapit sa iyo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo."
21. "Ang pag-ibig parang imburnal...nakakatakot mahulog...at kapag nahulog ka, it's either by accident or talagang tanga ka."
-or dahil mahal mo lang talaga siya.. hep!
-- Kasalukuyang nasa gitna ako ng isang masyang panaginip (actually di ko na maalala pero lam ko nanaginip ako), biglang sa panaginip ko may nag ring. May tumatawag. Gumising ako bigla at nag hello.. "gising na.. magbreakfast ka na" yan ang bati sa kin ng aking human alarm clock. Napaisip ako, anong oras na ba? May 15 minutes pa ko dapat. Pwede bang tumawad? Ay hindi.. Tumayo na ko at nagbihis. Matapos ang 45 minutes (new record sa banyo), dali daling umalis ng Endah Villa upang makipagkita sa aking mga kapicturan na sina Jay, Rey & Stanley.
(may nagpakodak pa) at nagbalak mag shopping ng motorsiklo (isa pa to! di pa din ako nakakasakay ng motor!). Imagine may mga bikes dun na mas mahal pa sa bahay ko sa Pilipinas. What the hell? Bisekleta lang?! Masaya na po ako sa aking mountain bike na kinalawang na (last time kong ginamit, naghahanap ako ng clutch. hehehe)
.
. Kahit ako gutom na din. Pero dahil love natin ang photography, carebears kung magka ulcer tayo.
Ayos. 5 hours kong inintay di ko man lang alam sino ang nag winner takes it all. Sabi ni Jay si Valentino Rossi daw (hmm.. I still don't know him). Dapat pala ang tinanong ko, "sino ba ang kasali sa moto gp?" Halatang iisa lang talaga ang mission ko sa galang iyon-- ang makakuha ng isang disenteng litrato. Grabe, matapos ang daan daan na kuha (nagkaubusan na kami ng memory cards buti na lang andyan si Digimate para higupin ang mga litratong kuha namin), di ko alam kung ilan dun ang papasa sa quality control. Ang hirap pala ng sports photography.
Wish ko lang!

I love John Lloyd movies 