5:15am, Linggo ng Umaga-- Kasalukuyang nasa gitna ako ng isang masyang panaginip (actually di ko na maalala pero lam ko nanaginip ako), biglang sa panaginip ko may nag ring. May tumatawag. Gumising ako bigla at nag hello.. "gising na.. magbreakfast ka na" yan ang bati sa kin ng aking human alarm clock. Napaisip ako, anong oras na ba? May 15 minutes pa ko dapat. Pwede bang tumawad? Ay hindi.. Tumayo na ko at nagbihis. Matapos ang 45 minutes (new record sa banyo), dali daling umalis ng Endah Villa upang makipagkita sa aking mga kapicturan na sina Jay, Rey & Stanley.
Ganyang kaaga kami gumising upang mapanood ang Malaysian Moto GP Race sa Sepang Race Circuit. Fan ba ko? Nope. Never watched the Moto GP race before. In fact, wala pa kong race na napapanood ever. Familiar ako sa F1 pero sa totoo lang ang alam ko lang na race eh yung sa Sta Ana (nadadaanan ko kasi dati pag hinahatid ko sa ves sa manila. hehe).
9:30 am asa Sepang na kami. Nag ikot ikot, nag picture ng mga cutie beybs (may nagpakodak pa) at nagbalak mag shopping ng motorsiklo (isa pa to! di pa din ako nakakasakay ng motor!). Imagine may mga bikes dun na mas mahal pa sa bahay ko sa Pilipinas. What the hell? Bisekleta lang?! Masaya na po ako sa aking mountain bike na kinalawang na (last time kong ginamit, naghahanap ako ng clutch. hehehe).
5 hours later nagsimula na din ang Moto GP. Naka ilang practice run muna, at mga preliminary races (ma at pa.. yung picture lang ang pakialam ko) bago nagsimula ang main event. By then 2pm na. Halatang nagugutom na si Gidiyap dahil nakailang tanong na siya ng "saan tayo kakain?" (one million ringgit question na ata ito!). Kahit ako gutom na din. Pero dahil love natin ang photography, carebears kung magka ulcer tayo.
Matapos ang lahat, di ko pa din kilala sino ang mga kasali sa Moto GP. Habang palabas kami tinanong ko si Jay, "so sino nga ba ang nanalo?" Ayos. 5 hours kong inintay di ko man lang alam sino ang nag winner takes it all. Sabi ni Jay si Valentino Rossi daw (hmm.. I still don't know him). Dapat pala ang tinanong ko, "sino ba ang kasali sa moto gp?" Halatang iisa lang talaga ang mission ko sa galang iyon-- ang makakuha ng isang disenteng litrato. Grabe, matapos ang daan daan na kuha (nagkaubusan na kami ng memory cards buti na lang andyan si Digimate para higupin ang mga litratong kuha namin), di ko alam kung ilan dun ang papasa sa quality control. Ang hirap pala ng sports photography.
Pero masaya ako kasi may mga bago na naman akong aral na natutunan--
1) kung may photogala, matulog ng maaga. Maging maagap. Kundi matatalo ang clusivol motto na bawal magkasakit.
2) Magbaon ng sunblock. Grabe ang init sa Sepang. Umuwi kami na may libreng blush on sa pisngi at ilong. May picture ka na may libreng skin cancer pa!
3) Length matters. Sa larangan ng sports photography importante ang may mahabang lens. Gusto ko na ng 70-200mm! hahaha.. Sino kaya ang magreregalo sa kin nito? Wish ko lang!
4)Mag occular inspection. Hanapin agad ang pinaka magandang pwesto (note: yung may pinaka okay na view-both ng pipicturan mo at ng mga sisilipan mo).
5)Masarap ang shaker fries ng mcdo. Well kapag gutom ka na, lahat masarap. And yes, Gidiyap, Size does matter (hahaha..) kasi ang large coke ay mas masarap kesa sa medium coke
6) Patience is a virtue. Sa haba ng pagiintay ko sa moto gp na yan, talagang na stretch si patience. Not to mention kelangan mong makipag hide and seek sa araw kasi ginugulo niya ang settings ng camera ko.
7) Be friendly. Taob kami hands down sa Mr. Friendship ng grupo-- sino pa eh di si bossing. He not only made a new friend eh kinalimutan agad ang name, "ano nga ba pangalan mo? Rey diba?" Ay mali. Melvin pala.
8)Taghirap ang cute sa Sepang. Mamimili ka lang sa mga Janno Gibbs (borrow neighbor's term), o mga mukhang paa (o sige, para politically correct, visually unpleasant).Madaya, kasi madaming eye candies sina Rey, Jay at Stanley. Pero ako, Wala! waah!
9) Maging WAIS. Itago ang mga contraband items sa tamang taguan. Ang aking mga baong candy ay nakatakas sa inspection salamat sa secret compartment ko,
10) Focus and Be Alert. Mabilis ang daan ng mga motor. kaya dapat, alive, alert & enthusiastic lagi.
At the end of the day, tinanong ko ang sarili ko, ba't ko ba ginawa tong self torture na to-- mainit, nakakagutom at nakakapagod. Isa lang ang sagot-- pag may mission ka, kahit gano pa kahirap, kakacareerin. At nung Sunday, iisa lang ang mission namin-- ang makukuha ng isang magandang litrato na maipagmamalaki naming ipost sa flickr.
Time to hit the editing room..
No comments:
Post a Comment