Sabi ng department of tourism wag daw maging dayuhan sa sariling bansa. Kaya naayon sa thema ng pasko na "tara byahe tayo", naglakbay kami sa isla ng corregidor nung December 28. Ang aga ng gising ko, 4am ata nung narinig kong tumunog ang " you got message" sa cellphone. Blank text (may secret code?). tumayo ako ng mga 5am (tawad ng onti). Past 6am ata nung dumating ako sa Roxas blvd na ubod pa ng dilim. Matapos ang ilang blooper (Asan kasi ang Jollibee sa Vito cruz? ay asana muna ang vito cruz?hehe), nagkita din kami ni Jay sa may CCP.
Matapos ang breakfast (san pa eh di sa Jollibee!), pumunta na kami sa sun cruises terminal sa loob ng harbour square. 1 hr 15 minutes ang byahe (tulugan time!). Pagdating ng corregidor, pili na kami ng tour bus (gusto namin sa 5 kasi nakakaaliw yung tour guide). Tangan ang mga camera, sinimulan din ang corregidor adventure.
Inikot namin ang buong isla. Sabi ni Mang Carlos, "its an island that is the shape of a tadpole" (aba looks like nga!). Madami akong natutunan gaya ng corregidor pala ang pinaka malaki sa lahat ng isla sa mouth ng manila bay, 5months bago sumuko ang corregidor at bataan sa mga hapon, at marunong palang mag mura si Quezon. Nagstart ang tour sa middle portion ng, umakyat sa top at nag end sa tail. Ilang army batteries ang inikot (di daw yun dry cell kundi mga gigantic canons) namin, plus pa ang mga ruins ng mga barracks. Parang naimagine ko yung panahon ng gera. Ang ganda siguro ng mga buildings na yun bago ito nabomba. May pagka eerie ang dating ng lugar. Madami daw espiritu dun. Pero sa totoo lang, parang pumasok ka sa pahina ng history book natin nung college/hs. Mararamdaman mo ang pagka Filipino mo dun sa lugar na iyon (naks!).
After lunch sa best hotel in corregidor (its the only hotel in corregidor), nag malinta tunnel tour kami. scary at nakakatindig balahibo yung light and sound show. feeling mo talaga asa malinta tunnel ka nung gera at binobomba kayo sa labas. Teka, lam niyo ba bat Malinta tunnel ang name niya? Kasi Madaming Linta! Ayos talaga mag bansag ng pangalan ang mga pinoy.
Pauwi ng Maynila, di ko maalis sa isipan ko ang kasaysayan ng corregidor. Nakakatuwang nakakalungkot. Nakakatuwa kasi nakita mong napaganda niyang lugar. Pero nakakalungkot kasi ang daming buhay ang nabuwis dun.
Pero ang masasabi ko lang.. sulit ang bayad.Di lang maganda ang tanawin, maganda din ang matutunan ang kasaysayan ng bansa natin. Saka sabi nga ng DOT, dont be a stranger to your own country. Kaya tara! byahe na tayo!
No comments:
Post a Comment