Magsusulat ako sa tagalog para sa "entry" na ito. Wala lang. Para maiba lang ang istyle ng kwento. Saka mas masaya siyang ikwento sa wika natin. So ano ba ang kwento? Excited ka naman masyado.. o sya sige. eto na siya.
Nagpareserve ako sa Restoran King Crab kahapon para sa hapunan ng aking mga kaopisina at kaibigan. Huling hirit bago muling maglakbay si bossing (sabi ni atebillie yan). So yun nga, tumawag ako, isang tsekwa ang nakasagot. Sabi ko, "can i make a reservation for dinner later? 6 persons." (with matching British accent pa). Tinanong niya kung kanino ipapangalan at sabi ko, "Dr. Hazel Ramos" Pinaspelling pa niya sa kin kaya kahit hirap na hirap akong isipin ang A-B-K-D, dahan dahan kong binigkas (again with Matching British accent and spelling) "Haytch- Ei- Zed-E-L, R-A-EM-O-ES" Sabi nung babae, "okay see you later!"
So ok na diba.. Fast forward na tayo sa oras ng kainan.. Gutom na gutom naming binagtas ang Kelana Jaya LRT line at naglakad patawid ng hiway (para kaming naglalakad patungo sa dulo ng bahaghari). Pagdating sa restoran (ganyan ang spelling dito) eh tinanong ako nung receptionist "do you have reservations?" Buong gilas kong sinagot, ng "Yes, under Dr. Hazel Ramos." Parang di niya ako naintindihan so pinakita na lang niya sa kin ang listahan, wala ang pangalan ko, pero may isang kahawig.. Hmm.. inisip ko, ako ba ito? siguro naman.. Di ko na kinontra at since gutom na ako, sabi ko na "that's it pancit." Tinuro niya ako patungo sa isang malaking lamesa sa may dulo ng kwarto. Pagdating sa aming hapagkainan, may malaking papel (cartolina na pinutol upang maging isang nameplate) na may pangalang nakasulat.
Ayos. Binigyan ako ng panibagong pangalan. In the feyrness, andun ang doctor. At least tumama dun diba? Sayang naman ang anim na taon ko sa sa grad school kung di man lang magagamit minsan minsan ang aking titulo (kahit na sa restoran lamang). Yung Hazer pwede na din.. sounds like naman.Parang binigkas ni Batman ang "Hazel" (Para sa mga nakapanood ng The Dark Knight, napansin niyo ba na nagiging nasal si Batman pag siya ay Batman at di na si Bruce Wayne? Siguro naiipit ng costume niya ang ilong niya no?) Pero yung Loros? hmm.. sang planeta galing yun? Maingay ako tulad ng isang loro (di ako nagpapanggap na shy tulad nina Shyboy 1 at Shyboy 2) pero malayo naman ata sa Ramos ang Loros (inispelling ko pa diba?). Hmm.. baka naman yun ang apelyido ng aking soulmate? Nagkita na ang aming pangalan pero kami hindi pa? (naligaw na naman siya?! Oh gosh pulgash, he desperately needs Mapking)
Mali man ang pangalan ko, masasabi ko pa ding, panalo ang Restoran King Crab (para sa inyong impormasyon, may branch din sila sa Johor kung nalalapitan kayo masyado sa Petaling Jaya Branch). Ang sarap ng Crabs (syempre Restoran King Crab nga eh!) pati na ang steamed fish, Tofu with mushrooms and itlog na pula, Chicken in dried chili (na may pinya huhuhu.. kaya pinasa ko ke shyboy 2 ang manok), mixed veggies (para healthY) at nasi puti (kanin po). Kahit na sobrang sakit ng tiyan ko (food poisoning ang drama ko the whole day), kain pa din (crabs to noh, walang sakit sakit ng tiyan dito). Salamat sa aking drug dealer (este Mobile Mercury Drug pala) na dinalhan ako ng kremil s at gamot sa dyspepsia ("Baka naman dyspepsia yan!" wika ng ad sa pinas) ay nakakain ako ang malumanay. May second round pa. haha.
Matapos ang 2 oras ng paglamon, naubos din namin ang pagkain.. Parang dinaanan ng bagyo. Nagbayad kami (super sulit men!) at nagyosi break ang mga yosi boy and gel habang ang iba sa min ay namasyal sa aquarium ng crabs. Kelangan daw kasi naming humingi ng tawad sa mga kamag anak ng mga alimangong minurder ng kusinero para sa aming kasiyahan at magiwan ng aming mensaheng "sa susunod kayo naman ang kakainin namin"
Naglakad muli kami pabalik ng tren at umuwi na sa aming mga tahanan.
Ayan tapos na ang kwento. Ang hirap pala magtagalog. Shucks, its been so long (bwahahahaha)...
Dati call me stanley ang drama ko (mas mahabang kwento ito, saka kung gusto mo malaman, kelangan maging mega super duper overly close friend kita muna) pero ngayon,
itago niyo na lamang ako sa pangalang HAZER.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Hahahahaha!!! Love ko itong kwento sobra....One of your best yet!! hahahaha!!!
You should write a food column someday or be a lifestyle/ travel writer on the side...reading your stuff always either makes me hungry or want to go on a long vacation :)
Karen
Post a Comment