10. The Early Bird catches the Worm este the train-- Di pa sumisikat ang araw lumayas na ako ng endah villa. 6:15am exacto tumawid ako sa carrefour para habulin ang bus. Umabot. Kaso pag dating sa LRT wala pang train. Kakaalis lang niya. Dapat pala mas maaga pa ako sa 615. 15 loong minutes later may dumating din kaya't nakaalis din ako sa kadiliman ng istasyon ng Sri Petaling. May araw na ng dumating ako sa Mcdo Masjid Jamek, just in time para sa aming 7:00-7:15 meeting time nina gidiyap at stanley (yahoo di ako late!)
9. Patience is a virtue-- Kung balak mong maging isang ganap na photographer, kelangan patient. Never take no for a final answer ("no deal!") at wag magpapadeter sa mga pulis na mukhang masusungit. Ika nga na aking "guru" paglumingon yung bantay sa kabila, diretso na lang ang lakad. After all, only the brave gets the gold.
8. Height is might-- disadvantage talaga ang "cute" pag gusto mo maging photographer. Puro ulo ang makikita mo sa lugar na siksikan tulad ng Dataran Merdeka. Pero sa singitan, panalo ka. Pwede kang sumuot sa mga lugar na di kaya puntahan ng mga giants. Wag ka lang papahuli sa gwardya kundi matutulak ka palabas.
7. Check your gears-- wag na wag sasabak sa labanan na di kumpleto ang arsenal. Sa gitna ng parade, biglang nagdilim ang langit. Narealize ko na wala akong payong. Patay. Kung ano ano tuloy na battle plan ang naisip namin just in case umiyak ang kalangitan. Syempre ang first order of the rains ay protect the camera at all cost unless waterproof ang camera mo.
6. Mag Costume-- Kung balak maging photographer, kelangan eh live the look. Di ka lulusot sa gwardya sibil kung di ka mukhang press people. Diyan ko idol yung manong sa LRT. Kumpleto sya from camera to vest to tripod to even a hat. panalo. Gusto ko nga siyang tanungin kung may antenna pa siya ni ernie baron sa vest niya kasi parang buong bahay niya ang nakasabit dito. Kaso wag na lang baka magalit eh or worse di niya magets.
5. Vanity is not a sin-- Di excuse ang pagbilad sa araw or paglalakad ng matagal para di maging well groomed. Kelangan ang kikay kit ay kasama sa list of must things to bring. Andyan ang towel, alcogel, facial wipes, tissue at syempre ang suklay. Samahan na din ng powder at leepistik kung may sisingitan ka pa. Remember, beauty is also a deadly weapon. Isang ngiti lang sa masusungit na bantay eh makakalampas ka kung maganda ka. :D
4. White & long is the best-- Kung ang lens mong bitbit ay kit lens, mere mortal ka lang sa merdeka parade. Kung naka telepoto ka, wagi ka. Kung naka L lens ka, ganda mo. Pero kung papalarin kang makagamit (or better yet eh magkaron ng kaibigan na papahiramin ka) ng isa sa high end fixed focal L lenses na kasing haba ng baril ang itsura, plus 1 million cutey points ka! Kanina natry ko ang 70-200 F2.8 Canon Lens at ang 100-400 Canon Lens. Wala akong masabi. Hanep. Parang nag dudumbbells ka nga lang sa bigat ang camera mo, pero men sulet the effort. Kahit ata yung langaw sa noo ng tao sa kabilang kalsada eh pwede mong kunan. Sabi nila "once you go black, you'll never go back." Mali. Once you go white, you'll wish you had a sugar mommy or daddy to buy you one. hehehe.
3. An empty tummy is a sad tummy-- Mahirap ang sumabak sa parade ng gutom. Mahaba ang program. Kaya kelangan bago ang lahat, magpakabusog muna. Kanina kumain kaming 3 sa mcdo bago pa man ang lahat. Hayaan na nating wala tayong maupuan sa parada. Ang importante, wag galitin ang mga alaga sa tiyan... oo nga pala, wag din kalimutan magbaon ng tissue, para sa call of nature after. hehe.
2.Mahirap ang Buhay Paparrazzi-- Grabe pala ang pagod na inaabot ng mga taong humahabol kina Britney Spears at Madonna. Kaya naman pala ganun na lang ang singil nila sa mga pictures nila. Ang buhay ng isang paparazzi ay parang buhay ng isang nakatakas na preso. Tago ng tago sa mga humahabol na bantay. Matututo kang gumapang, lumuhod, tumayo, humiga, atbp makuha lang ang tamang anggulo ng litratong gusto mo. Lahat ng ways gagawin mo para lang makuha ang "that one perfect shot."
1. You must love me-- Yan ang sabi sa kin ng camera ko. It takes a form of passion and love to be a photographer. Di pwedeng half hearted commitment ang ibibigay mo sa hobby na ito. Bukod sa mabubutas ang bulsa mo, this passion requires all the heart you can give from composing the shot to taking and editing the pictures. It is a very expensive hobby-- both financially and emotionally (lalo na kung frustrated ka sa tinake mong pic). Pero I guarantee, it is something worth doing.
09/01/2008
1am
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment