08.08.08
7am. Pinas
Matapos lahat ng drama sa aking kalusugan, ako'y nasa bayan na naman ng Pilipinas. Wow! di ko akalain na aabot ako dito kahapon. Para akong addict sa dami ng gamot na nakapasok sa systema ko kahapon (steroids, anti side effect ng steroids, anti side effect ng side effect ng steroids, atbp) pero yun lang ang paraan para masurvive ko ang 4 na oras na lipad ng eroplano. Ilang araw din kasi akong hilong hilo dahil sa side effects ng gamot ko. Masyadong bumaba daw ang hemoglobin ko dahil sa dapsone. Kaya kinailangang tanggalin ito. Buti na lang si Mr. Platelets eh normal na so pwede na muna kaming magbreak ng dapsone.
Syempre may drama pa sa loob ng airasia. Di kami naka landing agad sa Pilipinas! haha. Unang beses kong naranasan na mag take two ang landing dahil sabi ng piloto "we were not fully prepared". Di ko alam anong ibig sabihin niya sa "fully prepared" (hmm nakalimutan niyang ibaba ang landing gear? prumeno? or na ccr na kaya siya?) pero yun na nga, kinailangan ang take two sa landing. Pagkababa, inabot ng santo santo ang aming maleta (kala mo naman napakalaki niya) at matapos ang kaunting glitch sa customs (nacurious si manong sa mga baon kong bra. joke!) kami ay nakalabas din ng paliparan ng diosdado macapagal (welcome to philippines! mabuhay!!!)
Sinundo kami ng tito ko at pinsan ko. First stop? Sa SM Clark para kumain sa Max (jufran! jufran!). Nagdetour din ako para magshopping (vicarious grief allowance ni ate billie) ng passport holder at ng bench cologne para ke charlington (mission accomplished). Matapos nun eh lumakad na kami papuntang Maynila (o sige nag kotse pala). Dinaanan namin sina tita dada at vince sa Bulacan tapos ay tuloy na hanggang sa aking home sweet home.
Sa sobrang tagal kong nawala di na ko kilala nung gwardya namin. Muntik pa akong itawag sa bahay. Syempre umiral ang pagkamaldita ko at sinabing "im doctor ramos." Nalito siya kasi ang Dr. Ramos para sa kanya ay ang nanay ko. Pano pa kaya kung kapatid ko naman? Isa pang Dr. Ramos yun. nosebleed na si manong malamang! In fairness, eh narealize ni Manong number 2 kung sino ako a few seconds later at sinabihan si Manong 1 na "anak yan!"
Pagdating sa king bahay nakita ko agad ang aking baby--si Oliver ang pinaka cute kahit gusgusin ang look kahapon na pusang kalye sa mundo. Nakilala ako agad ng aking kampon at tumakbo papunta sa kanya nagiisang "mommy". I was home. Naramdaman kong sulit lahat ng pagsusuka, pagod at drama. Nayakap ko na muli si polie. At kahit mukhang isang buwan siyang di naligo, kebs ko na lang kasi yayakapin ko si baboytelli.
Nagluto si mommy ng spaghetti para sa aking pag dating. Madaming nabago sa bahay. For one thing ang dami naming picture sa sala. Dumami na din ang mga bulaklak sa paligid. Malalaki na ang mga papaya (para daw ke classmate) sa zen garden (with papaya and malunggay) ni Mother.
Matapos ang kaunting pahinga, sinundo naman ako nina ella at classmate adrian para simulan ang aming foodtrip. Malapit lang muna. Diyan lang sa taas ng bahay (clubhouse) kung san may dencio's na overlooking QC. Healthy daw muna kami kaya umorder lang kami ng Bulalo, Sisig, calamares at ensaladang mangga (kaya nga healthy!) ANG SARAP. Kalimutan na muna ang diet (although half rice lang po ako!). Ika nga ng aking kaibigan sa KL "mangginggit ba?" Maagang natapos ang gimik. Pagoodshot muna ako. Ngayong gabi na lang muli.
Nakauwi din. Sa wakas.
olympics na pala!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment