The past two days have been chaos thanks to my ever colorful life (sabi nga ni Joseph, "hazel, ang kulay ng buhay mo!") and my cramming nature (aaminin ko na i am getting to be good at this) plus the fact that I was reeling from some of the side effects of my medicines. I also had a lot of errands to do (bank, car tune up, papers, etc etc) for the house. But I made it (so far!) thanks to lifesavers and friends.
Sa dalawang araw na nakaraan, natutunan kong iappreciate ang aking mga kaibigan at pamilya na kahit taranta to the max na ko sa poster na yan eh "Go go go" pa din ang cheer (Thanks Mareng Divina). May greetings pa from as far away as the UK at KL to cheer me up all throughout the past two days.
Ang dami kong naabala dahil sa poster na yan. Sina Divina at Friendship Maan ay ilan lamang sa mga nagulo ang umaga (at gabi). May ginising pa ko ng ubod ng aga (kilala mo kung sino ka) para lang kulitin niya ang kanyang kaibigan na gawin ang disenyo ng poster ko. To think na busy busyhan din ang kanyang araw at nakatulugan ko siya nung gabi bago kahapon (hehe).
Nakakatuwa ding isipin na may mga taong kahit di ko pa man sila kilala pero handang tumulong sa isang eng eng sa larangan ng poster making na tulad ko. By the simple virtue na friend of a friend siya eh naging instant friends kami. Buong araw ko din siyang kinulit kulit sa text. Pati yung printer sa may Marikina na nirush ang aking tarpaulin kanina eh ang sarap yakapin. Minsan minsan lang na ang serbisyong pinoy ay with a smile pa. Sana lahat ng tindahan sa Pilipinas ganun.
In between all these chaos, I had visits and gimiks along the way. Oliver came by to visit and I enjoyed our impromptu merienda all the way to dinner chickahan while on standby sa aking tarpaulin design. Sumegway din kami ni ella, adrian, nicole at maam liza sa Dannylicious para muli kong matikman ang isaw at bbq na matagal ko ng inaasam. Kanina naman dumaan ako kina Len at George para sa ming traditional lunchout ni len pag ako ay umuuwi. Pancake house naman kami. Pinastahan din ni Witart ang aking ngipin. Good as new na siya.
Kalimutan na muna ang diet. Next week na lang muli.
Huling araw ko na pala sa Manila. Di ko man lang naramdaman.
Bukas Davao na!
Ang kulay ng buhay
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment